Pope Francis gugunitain ang Holy Thursday kasama ang mga bilanggo

AP photo

Gugunitain ni Pope Francis ang Mass of the Lord’s Supper o Misa ng Huling Hapunan sa Huwebes Santo kasama ang mga bilanggo sa Velletri, Italy.

Sa anunsyo ng Vatican, huhugasan ng Santo Papa ang paa ng 12 bilanggo sa Velletri Correctional Facility.

Ang washing of the feet ay bahagi ng liturhiya tuwing Misa ng Huling Hapunan.

Kabilang din sa pagbisita ay ang pakikipagpulong sa mga bilanggo, prison staff, police at local leaders at pagpapalitan ng mga regalo sa pinuno ng pasilidad.

Tradisyon na ng Santo Papa na gunitain Holy Thursday Mass kasama ang mga taong walang kakayahang pumunta sa Vatican o sa Basilica of St. John Lateran.

Simula noong 2013 ay tumutungo si Pope Francis sa mga kulungan at rehabilitation centers para hugasan ang paa ng mga may sakit at bilanggo.

Read more...