Lalaki inireklamo ng rape ng isang talent sa QC

Inireklamo ng isang talent ang isang lalaki ng panggagahasa sa kanya sa loob ng isang apartelle sa Brgy. Old Balara, Quezon City.

Ayon sa QCPD Station 6, ang suspek ay si Miles Pranes, 29 anyos at nag-eextra sa mga teleserye at nagsu-supply din ng mga talents sa ilang programa.

Dumulog sa pulis ang 20 anyos na biktima matapos umano itong halayin ng suspek.

Kwento ng biktima, dinala sya ng lalaki sa apartelle para gumawa ng audition tape at bikini photo shoot para sa isa umanong indie film.

Pinangakuan ang biktima ng P15,000 talent fee kapag nakuha nito ang role.

Pero sa gitna ng photo shoot ay saka umano ginawa ng suspek ang paggahasa.

Nagreklamo sa pulisya ang biktima at nagkasa ng operasyon laban sa suspek na naaresto habang nasa gitna ng taping.

Bagamat itinanggi ang akusasyon laban sa kanya, nahaharap pa rin sa kasong rape at photo and video voyeurism act ang lalaki.

Read more...