DOH nagbabala sa paglobo ng kaso ng dengue ngayong tag-init

Nagpayo ang Department of Health (DOH) sa publiko sa posibilidad ng paglobo ng kaso ng dengue bukod pa sa heat stroke at ibang sakit na posibleng makuha ngayong tag-init.

Ayon kay Health Usec. Eric Domingo, tumatagal ang buhay ng virus at mas nagiging agresibo at nangangagat ang mga lamok kapag mainit ang panahon.

Ito anya ang dahilan kung bakit kapag may El Niño ay tumataas ang kaso ng dengue.

Sinabi rin ni Domingo na isa pa sa mga dahilan ng pagtaas ng kaso ng dengue kapag summer ay ang madalas na pag-iimbak ng tubig na maaaring pamugaran ng mga kiti-kiti.

Giit ng health official, dapat gamitin lamang o inumin sa loob ng 2 hanggang 3 araw ang mga iniimbak na tubig.

Read more...