Duterte nais mabawasan ang power interruptions sa Palawan bago matapos ang 2019

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabawasan ang rotating power interruptions sa lalawigan ng Palawan bago matapos ang 2019.

Sa talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Puerto Princesa, iginiit ng pangulo na sa huling pagbisita niya sa Palawan noong nakaraang taon ay ipinangako niya na magkakaroon ng pagbabago sa sistema ng kuryente sa lalawigan.

Ito anya ang dahilan kaya’t isinama niya si Energy Secretary Alfonso Cusi upang kung may tanong ang mga tao sa isyu ng energy ay masagot ito.

Giit ng pangulo, bago matapos ang taon ay mababawasan na ang rotating power interruptions at tinatapos na ng Shanghai Electric ang pag-aaral sa power situation sa lalawigan.

“I believe the last time I was here I promised you that there will be an improvement. i assure you that before the end of the year, there is a reduced rotation in the number of hours and maybe lessening of the inconvenience. Tinatapos lang nila. nandito siya,” ayon kay Duterte.

Aminado si Duterte na naaasar siya sa bagal nang pagtatrabaho ng gobyerno na kung minsan anya ay dahil sa korapsyon.

Iginiit ng punong ehekutibo na kakailanganin niya ang mas mabilis na gabinete at burukrasya para matupad ang kanyang mga naipangako.

“I would need a faster cabinet and a faster bureaucracy because I am a man in a hurry. I have about three years more or less, few months left and there are things which I believed I must act on para maitupad ko ang mga promise ko” ani Duterte.

Read more...