Sa talumpati sa annual convention ng Prosecutor’s League of the Philippines sa Puerto Princesa, Palawan, araw ng Huwebes, sinabi ng pangulo na dapat kumuha ang mga fiscal ng Glock 19 pistols.
Ito ay dahil hindi umano nagja-jam ang Glock 19 at maintenance-free pa.
“I advise you to get, ‘wag kayong kumuha ng .45, it’s too heavy. Go for the Glock 19. Ang Glock hindi talaga nagja-jam yan. I’m not advertising the Glock, but it’s a fact. That’s why we bought it for my policemen. And maintenance-free, hindi magkakalawang ‘yan,” ayon sa pangulo.
Ayon kay Duterte na dati ring fiscal, siya rin ay may dala-dala laging baril dahil hindi siya kumportable kapag hindi dala ito.
“May baril talaga ako, I cannot go out without a gun. Hindi ako kumportable, para akong nakahubad,” giit ng pangulo.
Sa isyu naman ng mga pagpatay sa mga prosecutors, iginiit ng pangulo na minamadali na ng gobyerno ang imbestigasyon sa mga kaso.
Pinayuhan ng punong ehekutibo ang liderato ng Prosecutor’s League na makipagtulungan sa law enforcement agencies para makabuo ng mga hakbang para sa pagprotekta sa mga fiscal at kanilang mga pamilya.