600 baril kumpiskado sa serye ng police operations sa Central Luzon

Photo: PDI/Carmela Reyes-Estrope

Sinabi ng pamunuan ng Central Luzon PNP na umaabot na sa 600 mga baril ang kanilang nakumpiska sa simula ng nationwide gun ban noong Enero.

Ang nasabing mga baril ay ipinakita ni PNP Region 3 Director B/Gen. Joel Coronel kay PNP Chief Oscar Albayalde.

Kabilang rin sa kanilang mga narekober ay 3,568 assorted deadly weapons at 3,437 na iba’t ibang uri ng bala sa mga inilunsad na police operations.

Sinabi rin ng PNP Region 3 ng 33,923 police checkpoint operations na nagresulta sa pagkaka-aresto ng 34 suspects at kamatayan ng 24 na iba pa.

Habang papalapit ang araw ng halalan ay mas lalo pang pag-iigtingin ng PNP ang kanilang mga checkpoints ayon pa kay Albayalde.

Read more...