LTFRB Executive Director Jardin, sinuspinde ng DOTr dahil sa katiwalian

Isinailalim sa 90 day preventive suspension si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Executive Director Samuel Jardin.

Ang kautusan ay inilabas ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur P. Tugade dahil sa reklamo ng katiwalian laban sa nasabing opisyal.

Kasabay nito ang paghahain ng pormal na reklamong grave misconduct laban kay Jardin dahil sa paghingi umano nito ng nasa P4.8 milyong kapalit ng pagbibigay ng Certificate of Public Convenience (CPC).

Pinagsusumite din si Jardin ng Verified Answer sa loob ng tatlong araw kapag natanggap na ang pormal na reklamo.

Read more...