Facebook account ni Mayor Sara Duterte, hindi nakaligtas sa purging

Hindi rin nakaligtas sa purging ng Facebook ang account ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.

Base sa Facebook post ni Davao City Information Officer Jefry Tupas, isa sa mga casualties ang account ni Mayor Sara dahil sa naging heavily reported umano ito.

Ayon pa sa post ni Tupas, locked-out na ang account ni Mayor Sara.

Dagdag ni Tupas, hindi na nakapagtataka na nabiktima ang account ni Mayor Sara sa purging ng Facebook.

Matatandaan na noong nakaraang linggo lamang, tinanggal ng Facebook ang mahigit 200 pekeng account na pinangangasiwaan ng strategist na si Nic Gabunada Jr. na naging head ng social media campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 Presidential elections.

Read more...