State of emergency sa mga lugar na apektado ng El Niño dapat ng ideklara ng pangulo ayon kay Rep. Salo

Hiniling ni Kabayan Rep. Ron Salo kay Pangulong Duterte na ideklara na ang ‘state of emergency’ sa mga lugar na apektado ng El Nino.

Ayon kay Salo, ito ay para makapaghatid agad ng tulong ang pamahalaan sa mga magsasaka at kanilang mga pamilya na nasira ang mga panananim dulot ng El Niño.

Inirekomenda ng mambabatas na gamitin na ang $500 Million disaster relief fund ng World Bank na ayon sa Department of Finance (DOF) ay maaaring gamitin kung kinakailangan.

Bukod dito, dapat din anyang gawing exempted sa umiiral na election ban ang mga lugar na apektado ng El Niño para sa madaling paghahatid ng tulong.

Read more...