12 opisyal ng gobyerno, sinibak ng Ombudsman

Ombudsman1Sinibak sa serbisyo ng Office of the Ombudsman ang labindalawang government executives kaugnay sa maanomalyang paggamit ng P54 milyon na pork barrel fund ni dating Benguet Representative Samuel Dangwa.

Kabilang sa mga sinibak sa puwesto ang mga top executives ng state-owned National Livelihood Development Corporation (NLDC), Technology Resource Center (TRC) at ang binuwag na National Agribusiness Corporation (NABCOR).

Base sa 58-pahinang desisyon ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, parusang dismissal sa serbisyo dahil sa Grave Misconduct and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service ang ipinataw kina Gondelina Amata, Chita Jalandoni, Emmanuel Alexis Sevidal, Ofelia Ordoñez, Filipina Rodriguez at Sofia Cruz ng NLDC; Dennis Cunanan, Marivic Jover, Consuelo Lilian Espiritu at Belina Concepcion ng NLDC gayundin sina Victor Cacal at Romulo Relevo ng NABCOR.

Lumabas sa record na simula 2007 hanggang 2009, tumanggap si Dangwa ng P54 milyon na PDAF at idinaan sa mga NGO ni Janet Lim Napoles habang naging implementing agency naman ang NLDC, NABCOR at TRC.

Ang nasabing PDAF ay para sana sa livelihood at agricultural assistance kits at packages ng mga kababayan ni Dangwa.

Sinabi ng Ombudsman na ang mga sinibak na kawani ang nagproseso, nag-facilitate, nag-apruba ng transaksyon at nagbayad para sa mga pekeng proyekto.

Bukod sa dismissal sa serbisyo habang buhay na ring hindi maaring makapagtrabaho ang mga ito sa gobyerno bukod pa sa pag forfiet sa kanilang mga retirement benefits.

Read more...