Mga nasa bagong narcolist ni Pangulong Duterte handang imbestigahan ng PNP

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang mga nasa bagong narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PNP Spokesman Colonel Bernard Banac, mas lalong tutukan ng PNP ang mga pangalan na babanggitin ni Pangulong Duterte sa harap ng publiko.

Kasabay nito, sinabi ni Banac na patuloy din ang pangangalap ng PNP ng karagdagang impormasyon para sa mga artista na sangkot sa illegal na droga.

Malugod aniyang tinatanggap ng PNP ang pahayag ng ilang artista na kusa na silang sumailalim sa rehabilitasyon.

Read more...