Paluan, Occidental Mindoro niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bayan ng Paluan sa lalawigan ng Occidental Mindoro.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 34 kilometers Southwest ng bayan ng Paluan, alas-6:36 umaga ng Huwebes (April 4).

May lalim na 86 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...