Fil-Am mail bomber sa Amerika itinangging may intensyon siyang makapanakit nang magpadala ng mail bomb sa mga kritiko ni Trump

Itinanggi ng Fil-Am mail bomber na may intensyon siyang makapanakit nang magpadala ng mail bomb sa mga kritiko ni US Pres. Donald Trump.

Nagpadala ng liham si Cesar Sayoc kay Judge Jed Rakoff sa Manhattan Federal Cort makaraang maghain ng guilty plea sa kaso.

Ayon kay Sayoc, ang tanging nais niya ay takutin ang mga pinadalhan niya ng mail bomb.

At kabilang dito sina dating US Pres. bill Clinton at Barack Obama.

Kabilang sa kasong kinakaharap ni Sayoc ay ang paggamit ng weapon of mass destruction, mailing explosives with and intent to kill or injure at transporting explosives across state lines.

Siya ay isang part-time delivery man at naaresto habang naninirahan sa kaniyang van.

Read more...