Ikalawang suspek sa pagpatay sa mag-iina sa Bulacan arestado na

Naaresto na ang ikalawang suspek sa brutal na pagpatay sa mag-iina sa San Jose del Monte, Bulacan.

Kinilala ng PNP Bulacan ang dalawang suspek na sina Wilson Cortes Nosal at Joselito Tulibas Cortez.

Unang umamin ang suspek na si Wilson na sila ang nasa likod ng krimen at tinuro nito kung saan nagtatago ang ikalawang suspek na nahuli sa San Jose del Monte Bulacan.

Pagnanakaw ang nakikitang motibo sa pamamaslang sa mag-iina.

Natagpuang patay ang mag-iina sa loob ng kanilang bahay sa Carissa Homes, sa Brgy. Kaypian.

Read more...