Top 7 drug personality sa Lanao del Norte arestado ng PDEA

Naaresto ng mga tauhan ng Philppine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 10 ang top 7 drug personality sa Lanao Del Norte.

Ayon kay PDEA Regional Director Wilkins Villanueva, isinilbi ng kanilang mga tauhan katuwang ang mga tauhan ng Iligan City police ang search warrant laban sa suspek na si Al Daud Cali alyas Dab lungsod.

Si Cali ay isang dating kagawad ng Barnagay Hinaplanon at kilalang tulak ng ilegal na droga sa Iligan City.

Kasapi din umano ang suspek ng Magandia at Mapandi Drug Group.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong medium sized na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P105,000.

Read more...