Pinoy Boxer na nag collapse matapos ang laban sa Japan, 15 beses tinamaan sa ulo

Philboxing.com photo

Inihayag ng coach ni Filipino boxer Renerio Arizala Jr. na tumanggap ang kanyang alaga ng 15 solidong suntok sa ulo bago ito nag collapse sa laban sa Japan.

Nagrerekober na ngayon si Arizala matapos operahan sa utak bunsod ng pagbagsak sa laban kontra kay Tsuyoshi Tameda.

Ayon kay coach Jonathan Peñalosa, nang marinig niya ang matinding tama sa ulo kay Arizala ay agad siyang umakyat sa ring.

Naging mabilis naman anya ang referee at agad itinigil ang laban.

Solido anya ang huling suntok ng Japanese boxer sa mukha ni Arizala.

Lumalabas na magkakasunod na suntok sa ulo ang tinamo ng boksingero at sa huling tama ay bumalabal na ito sa lubid, nagreklamo na masakit ang ulo saka nag collapse.

Sa ngayon ay nakakapag-salita na si Arizala matapos operahan sa utak pero sasailalim pa ito sa therapy.

Samantala, tiniyak ng Games and Amusements Board (GAB) ang tulong kay Arizala.

Binanggit naman ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na obligado sa lahat ng professional boxers na magkaroon ng medical insurance.

Read more...