Kinilala ang biktima na si Maricel Padpad, 45 anyos at may-ari ng isang resto-bar.
Ayon sa testigo sa pamamaril, nakikipag-inuman lamang ang biktima sa loob ng bar nang magputok ang gunman mula sa labas.
Nakasuot umano ang gunman ng helmet kaya hindi ito namukhaan.
Agad na umalis ang suspek sakay ng nag-aabang na motorsiklo.
Makikita sa sliding glass door ng bar ang mga butas dulot ng pagtagos ng mga bala ng baril.
Isinugod pa ito sa Sta. Ana Hospital ngunit idineklara ring dead on arrival.
Patuloy ang imbestigasyon sa motibo sa krimen at mga nasa likod nito.
MOST READ
LATEST STORIES