Helicopter ride-sharing service inilunsad sa Metro Manila

Isang Singapore-based helicopter ride-sharing startup ang naglunsad ng helicopter services sa Metro Manila.

Ayon sa Ascent Urban Air Mobility founder and chief executive officer Lionel Sinal-Sinelnikoff, isa itong bagong uri ng transportasyon na layong makatulong sa paglutas ng trapiko sa Metro Manila.

Ani Sinai-Sinelnikoff, kahit isa ang Metro Manila sa fastest-growing business hubs sa Southeast Asia, ang sitwasyon naman ng trapiko sa Maynila ay isa mga pinakamalala sa buong Southeast Asian region.

Ang mga pasahero ay maaaring magbook ng helicopter seat sa pamamagitan ng website ng kumpanya.

Sa ngayon ang mga biyahe ay NAIA-Clark na may halagang P25,900; Makati-BGC, P6,900; at NAIA-Tagaytay, P21,900.

Plano rin ng Ascent ang expansion sa iba pang lugar sa Pilipinas partikular ang major cities sa Visayas at Mindanao at ilang Southeast Asian countries sa mga susunod na taon.

Read more...