5 menor de edad nailigtas sa bugaw sa Navotas

File photo

Nailigtas ang limang menor de edad mula sa isang babaeng bugaw sa Navotas.

Pero nakatakas ang suspek na umanoy inaalok ang mga bata sa isang pedophile sa Estados Unidos.

Ang mga menor de edad ay nakita sa pornographic materials na narekober sa pedophile na naaresto ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa US.

Ayon sa pulisya, pumunta ang pedophile sa Pilipinas at dinala ang mga menor de edad sa hotel kung saan niya kinunan ang mga ito ng mga sensitibong larawan.

Nakatanggap ng report si Police Brig. Gen. William Macavinta, hepe ng PNP Women and Children Protection Center mula sa FBI.

Ang mga biktima anya ay mga magkakapit-bahay at magkakalaro na may mga edad mula 10 hanggang 13 taong gulang.

Ang bugaw naman na 17 anyos lamang ay inalok ang mga bata sa pedophile sa pamamagitan ng internet.

Ang pagsasampa ng kaso laban sa nakatakas na suspek ay batay sa magiging rekomendasyon ng social worker.

Read more...