Water level sa Lake Lanao mas mababa na sa critical level

Dahil sa nararanasang tagtuyot ay mas mababa na sa critical level ang antas ng tubig sa Lake Lanao.

Ayon sa datos ng Lanao del Sur Provincial Disaster Risk Reduction Office (PDRRMO) araw ng Miyerkules, ang tubig sa lawa ay nasa 697 meters na lamang, mas mababa sa critical level na 699 meters.

Dahil dito posibleng maapektuhan ang suplay ng kuryente sa Mindanao dahil mahalaga ang papel ng Lake Lanao sa power generation sa rehiyon.

Ang 70 porsyento ng suplay ng kuryente sa Mindanao ay mula sa coal-fired plants habang ang 30 porsyento ay mula sa renewable energy na karamihan ay galing sa Agus at Pulangi hydropower complexes.

Ang Lake Lanao ang ginagamit para sa power generation ng Agus plant.

Ngayong araw, nakatakdang magpulong ang PDRRMO upang makabuo ng komprehensibong plano para tugunan ang mga epekto ng El Niño phenomenon.

Read more...