Guro na inireklamo ng rape ng estudyante, arestado sa Davao City

Matapos ang kanyang klase ay inaresto ng mga pulis ang isang guro na may kinakaharap na kasong rape sa Davao City.

Hinuli ang 32 anyos na si Donjel Cubero na guro sa Davao City National High School.

Si Cubero ay suspek sa umanoy paggahasa sa isa umanong college student.

Ikinalungkot naman ng Davao City National High School ang pangyayari.

Pero sa isang pahayag ay nilinaw ni Wenefredo Cagape, Public Schools District Supervisor, na ang umanoy biktima ay hindi estudyante ng paaralan.

Paalala ng eskwelahan sa mga guro nito na manatiling professional sa kanilang trabaho.

Samantala, iimbestigahan ng Department of Education Region 11 ang kaso.

Ayon sa tagapagsalita ng DepEd sa lugar na si Dodong Atillo, hindi nila kinukunsinti ang maling gawain ng mga guro.

Pinaalalahanan din ng ahensya ang mga guro na maging maingat dahil sila na rin ang tumatayong pangalawang guro ng kanilang mga estudyante.

Read more...