MRT 3 sumailalim sa ‘rail grinding’ para makontrol ang epekto ng pagkaluma ng mga riles

Sumailalim ang Metro Rail Transit line 3 (MRT-3) ng tinatawag na “rail grinding” sa mga riles nito sa northbound mula Taft hanggang Magallanes stations.

Layon ng hakbang na makontrol ang epekto ng rail fatigue o pagkaluma ng mga riles sa mahabang panahon.

Nagsimula ang pagsasaayos ng mga riles alas 11:00 Miyerkules ng gabi.

Ang rail grinding ay magreresulta sa pagkakaroon ng mga sparks sa mga riles sa pagitan ng nasabing dalawang istasyon.

Pero tiniyak naman ng pamunuan ng MRT-3 ang hindi pagkahulog ng sparks sa mga dumaraang motorista sa EDSA northbound.

Ayon sa MRT-3 management, ang ginamit na makina sa rail grinding ay mayroong safety feature.

Read more...