Mag-iina natagpuang patay sa kanilang bahay sa Bulacan

Credit: Brgy. Kaypian

(UPDATE) Natagpuang wala nang buhay ang isang ina at dalawa nitong anak sa sarili nilang tahanan sa Barangay Kaypian, San Jose Del Monte Bulacan, bandang alas-9:00 ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jaymee Casabuena Biding, 28 anyos at isang single parent habang ang kanyang mga anak ay edad apat at walong taong gulang.

Tumungo ang tatay ng biktima para sunduin sana ang kanyang anak at mga apo dahil paparating ang kanilang ina mula sa Abu Dhabi.

Pero laking gulat na lamang niya nang mamataang patay na ang mga ito.

Bukas umano ang isa sa mga drawer sa bahay.

Ayon sa San Jose del Monte police, posibleng ilang oras nang patay ang mga biktima dahil tuyo na ang mga dugo sa loob ng pinangyarihan ng krimen.

Ayon sa mga kapitbahay ng mga biktima, may dalawang lalaking kumatok at nakapasok sa loob ng bahay bandang alas-7:00 ng gabi ng Martes.

Narekober sa crime scene ang isang patalim.

May hawak na rin na persons of interest ang pulisya ngunit patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso.

Read more...