Estudyante arestado sa droga sa LRT-2 Cubao station

Timbog ang isang estudyante matapos itong mahulihan ng pinatuyong dahon ng marijuana sa LRT-2 Cubao station Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Quezon City Police District Station 7, ang pinatuyong dahon ng marijuana ay nakalagay sa bag ng estudyante.

Sa inspeksyon ay nakita ng gwardya ang droga sa bag ng 20 anyos na suspek.

Nabatid na wala pang isang gramo ang nakuhang marijuana mula sa estudyante.

Pero inaresto pa rin ito dahil iligal ang pagdadala at paggamit ng marijuana.

Read more...