BFAR: Seaweeds disease sa Cebu na “ice ice” resulta ng mainit na panahon

Nagsasagawa ng assessment ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resourts sa Central Visayas sa mga seaweed kung mayroong “ice-ice” sa Bantayan Island, Cebu.

Ayon kay BFAR-7 office in charge Director Alfeo Piloton, ang “ice-ice” ay isang seaweed disease dahil sa pagtaas ng water temperature.

Nagtungo ang ilang opisyal ng BFAR sa Panangatan, Biyagayag at Mambacayao Diot para tutukan ang kondisyon ng mga seaweed sa lugar.

Aniya, sa 300 ektaryang kanilang sinuri, tanging limang porsyento lamang ang apektado ng “ice-ice.”

Inabisuhan naman ang mga mangingisda na agad maagang kunin ang mga seaweed para hindi masira pa.

Sinabi rin ng opisyal na magpapaabot ng karagdagang lubid para sa pagtatanim ng seaweek at technician para sa tulong-teknikal.

Read more...