Kaugnay pa rin ito sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Energy Virtual One-Stop Shop (EVOSS) law na naglalayong ayusin at madaliin ang proseso sa pagsasa-ayos ng power generation, transmission at distribution ng power projects.
Kasama na rin dito ang pagsusulong ng pamahalaan sa alternatibong power sources tulad ng solar at wind power.
Sinabi ni Velasco na layunin rin ng EVOSS ang paghikayat sa foreign investors na pumasok sa power sector kasunod ng pagsasa-ayos sa pagkuha ng mga kinakailangang dokumento para maiwasan ang red tape.
“As our population grows, it’s not only important to tap new sources of energy to meet the demand. We should also make it a priority to harness renewable sources of energy that are clean and cheap,” ayon pa kay Velasco na siya ring chair ng House Committee on Energy.
Ang power consumption sa bansa at tumaas ng apat na porsiento ayon sa ulat ng Department of Energy.
Sa Luzon, ang power consumption ay tumaas ng 3.58 percent sa 69,625 GWh mula sa dating 67,221; ang Visayas ay may 5.8 percent na pagtaas sa 12,942 GWh mula sa dating 12,232 GWh; samantalang ang Mindanao power consumption naman ay tumaas ng 4.04 percent sa 11,803 GWh mula sa 11,345 GWh lamang.
Sa pag-aaral ng Australia-based think tank International Energy Consultants, noong nakalipas na taon ang Pilipinas ay pangalawa sa may pinakamahal na halaga sa presyo ng kuryente na sumunod sa Japan para sa Asia-Pacific region.
Dagdag pa ng opisyal, “What the country needs is renewable sources of energy to meet the future demand for electricity. We should add more windmills, solar panels and hydro-electric energy producers. These are the areas where we need to attract investments and capital.”