Sa pagdinig ng Kamara ukol sa nakalusot na tone-toneladang basura mula sa South Korea papasok sa Misamis Oriental ginamit ng port collector na pandepensa ang isang Customs Memorandum Order upang payagang umusad ang bulk at break bulk cargo.
Nakasaad sa Section 4.7 ng Customs Memorandum Order 18-2010 na maaari nang palusutin ang kargamento at i-release sa warehouse ng importer o consignee kapag isinailalim na ito sa pre-shipment inspection.
Sa nabanggit na section ng CMO ay nakasaad na hindi agad maipupuslit ang kargamento kapag may hold order o alert na inilabas at kapag may natanggap na impormasyon ang commissioner o collector na may kaibahan sa idineklara mula sa tunay na laman o classification ng cargo.
Inaabuso anya ng smugglers ang probisyon sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan sa ilang opisyal o empleyado para madoktor ang importation documents.