British Parliament pinaburan ang pagsasagawa ng airstrikes sa ISIS sa Syria

UK AirstrikeMatapos ang mahigit sampung oras na debate, pinaburan ng British lawmakers ang pagsasagawa ng airstrikes sa ISIS positions sa Syria.

Sa isinagawang botohan, 397 na mga mambabatas ang bumotong pabor sa pagsasagawa ng airstrikes at 223 naman ang tumutol.

Matapos kasi ang November 13 terror attacks sa Paris, France, hiniling ng nasabing bansa ang tulong ng mga kaalyadong bansa para maglunsad ng opensiba laban sa ISIS.

Gabi ng Miyerkules nang magsimulang magdebate ang British lawmakers hinggil sa kung palalawigin ang UK airstrikes sa ISIS strongholds sa Syria.

Ayon kay Prime Minister David Cameron ang ISIS ay banta sa British people dahil may UK hostages nang pinugutan ng ulo ng nasabing teroristang grupo sa Middle East.

Read more...