Nasawi ang apat na miyembro ng isang pamilya sa sunog na naganap sa isang 2-storey building sa barangay Socorro sa Quezon City.
Na-trap sa nasunog na residential/commercial building ang mag-asawang sina Rodolfo Bucad, 55 anyos, asawa na si Gracita at kanilang dalawang anak na sina Hazel Bucad, 29 at Tricia Bucad, 21 anyos.
Dinala pa sa East Avenue Medical Center ang apat pero hindi na sila naisalba pa ng mga manggagamot.
Isa pang anak na lalaki ng mag-asawag Bucad ang hinahanap ng mga bumbero, bagaman ayon sa pahayag ng mga kapitbahay, maaring wala ito sa loob nang maganap ang sunog dahil isa umano itong call center agent.
Sugatan naman sa insidente ang bumbero na si FO3 Richard Adrew Roles na isinugod sa ospital.
Pag-aari ng isang ‘Elaine’ ang nasunog na gusali na inuukopahan ng Sight and Bite Optical and Dental Clinic kung saan nakatira ang nasabing pamilya.
Nagsimula ang sunog alas 3:15 ng madaling araw kanina, (Dec. 3) at umabot lamang sa 1st alarm.
Alas 5:04 ng umaga nang ito ay maideklarang fire out.