Ito ay para mabili ng gobyerno at gawing pabahay para sa mga informal settler.
Sa talumpati kagabi ng pangulo sa campaign rally ng PDP – Laban sa Malabon, sinabi nito na gagastusin niya ang pera ng gobyerno para matuldukan ang paghihirap ng mga informal settler na nakatira sa mga barong barong lamang.
Pakiusap ng pangulo, kapag may nahanap na undeveloped na lupa, agad na ipagbigay alam sa kanya para mabili ng gobyerno.
“Dito na naman ako sa urban land reform. Pinakamatindi dito sa Maynila. Ngayon kung may mahanap kayo na lupa na medyo malaki at wala pang development, sabihin ninyo sa akin. Kasi i-expropriate ko ‘yan, pilit bilihin ko ‘yan sa may-ari at gagawa tayo ng ating mga bahay Hindi ko naman pera. Pera ng gobyerno ang gamitin ko. Hindi ako magyayabang. All you have to do is to find out if there is enough land, ‘yang medyo malayo doon na ano. Then let us expropriate para to end your misery as a squatter” ayon sa pangulo.
Kasabay nito sinabi ng pangulo na ang land reform lamang ang magbibigay tuldok sa insurgency sa bansa.