Kagawad patay sa pamamaril sa Iloilo City

Patay sa pamamaril ang isang kagawad ng barangay sa Iloilo City, Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Joel Obregon, 58 anyos.

Si Obregon ay kasalukuyang barangay kagawad sa Barangay Pali bayan ng Mandurriao at dati ring naging kapitan.

Pauwi na ng bahay ang biktima ng siya ay tambangan nang hindi nakilalang suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo sa pamamaslang.

Read more...