2 sundalo sugatan sa pakikipagbakbakan sa NPA sa North Cotabato

Sugatan ang dalawang sundalo sa engkwentro sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA sa North Cotabato.

Ang mga nasugatan ay pawang tauhan ng 19th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Nagpapatrulya umano ang mga sundalo sa Sitio Wakwakon sa Barangay Balite, bayan ng Magpet nang sila ay paputukan ng tinatayang nasa 60 mga rebelde.

Agad ibinalik ng mga sundalo ang sasakyan at gumanti rin ng putok sa NPA.

Umabot sa 45 minuto ang bakbakan hanggang sa umatras ang mga rebelde patungo sa paanan ng Mt. Apo.

Daplis ng bala sa katawan ang natamo ng dalawang sundalo.

Read more...