Notoryus na holdaper timbog sa Maynila

Arestado ang isang lalaki na umano’y notoryus sa panghoholdap sa Tondo, Maynila.

Ayon kay MPD Station 1 Chief Pol. Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, nakatanggap sila ng tawag ukol sa isang lalaking nakatambay sa Lascon Street sa Brgy. 96.

Agad na tumungo ang mga pulis sa lugar at namataan ang lalaki na kahalintulad sa paglalarawan ng tumawag na concerned citizen.

Naabutan ang lalaki na naninigarilyo at kinapkapan ito.

Dito tumambad sa mga pulis ang kalibre .38 na baril ng suspek na naglalaman ng mga bala.

Inaresto agad ang lalaki at dinala sa istasyon ng pulis kung saan personal itong itinuro ng kanyang mga nabiktima na nangholdap umano sa kanila.

Kabilang sa lugar kung saan nanghoholdap ang lalaki ay ang Vitas sa Tondo.

Read more...