Batay sa bagong penal code sa ilalim ng Sharia law, ‘death by stoning’ ang parusa para sa mga Muslim na mapapatunayang guilty sa same-sex relations, adultery, sodomy at rape.
Ayon sa government website ng Brunei, hindi umaasa ang Sultan na sasang-ayon ang ibang tao sa bagong batas ngunit maganda umanong igalang ang bansa tulad ng paggalang na ibinibigay nito sa ibang nasyon.
Sa kabila ng kabi-kabilang pagbatikos, inihayag na ng tanggapan ng Prime Minister na walang plano ang bansa na ihinto ang pagpapatupad ng batas.
Giit ng Prime Minister, ang Brunei ay isang sovereign Islamic at full independent country na tulad ng ibang bansa ay may karapatang magpatupad ng sarili nitong mga batas.
Ang Brunei ang kauna-unahang bansa sa Asya na magpapatupad ng death penalty laban sa mga homosexual.
Samantala, may bago ring parusa para sa mga mapapatunayang nagnakaw kung saan puputulan ng kanang kamay sa first offense at kaliwang paa naman para sa second offense.