Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Malabon Miyerkules ng gabi, dismayado ang pangulo na mas lalo pang tumindi ang kalakalan ng droga kahit ipinag-utos niya nang ipapatay ang mga drugs suspects.
“Ang droga hindi ko nga makontrol. P— ina, pinapatay ko na ang mga hindot na ‘yan. Nandiyan pa rin ‘yung droga. Mas lalo tuloy tumindi,” ayon sa pangulo.
Naniniwala ang pangulo na hindi tagumpay ang drug war dahil isa itong problema na hindi lamang Pilipinas ang nakararanas.
“Kaya ang tanong naman ng mga ibang opisyal, ito ba’y tagumpay? Kasi sabihin ko sa inyo hindi because worldwide ‘yan. It’s a worldwide problem ngayon ang droga pati China, Taiwan. At marami na ang tinamaan,” giit ng presidente.
Binatikos din ng pangulo ang pagkakasangkot ng mga police officials sa illegal drug trade.
Ayon sa presidente, maglalabas siya ng isang dokumento ukol sa pagmamanipula ng mga pulis sa mga Pilipino sa usapin ng bawal na gamot.
“Ilalabas ko ‘yung dokumento bukas. Iyong paano maglaro ang pulis sa droga, ‘yung mga opisyal at bakit hindi mahinto-hinto. At bakit naman ‘yung mga pulis noon naka-assign sa anti-drugs hanggang ngayon sa anti-drugs pa rin. Kaya pinaglalaruan ang Pilipino,” ani Duterte.