Manny Pacquiao, posibleng isa kina Thurman o Garcia ang susunod na makalaban sa boxing ring

Posibleng makaharap ni Manny Pacquiao sa kaniyang susunod na boxing match si Keith Thurman o Danny Garcia.

Ayon kay International matchmaker Sean Gibbon, representante ni Pacquiao sa Amerika, sina Thurman at Garcia ang tinitignang makakalaban ng 40-anyos na Filipino champion sa July 13.

Si Thurman ang kasalukuyang WBA Super welterweight champion na may 29-0 win-loss record habang si Garcia naman ang dating WBS welterweight champion na may 34-2 win-loss record.

Matatandaang nagwagi si Pacquiao sa kanyang huling laban kontra kay Adrien Broner sa Las Vegas, Nevada noong buwan ng Enero.

Read more...