Magnitude 3.8 na lindol, tumama sa Surigao del Sur

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.8 na lindol sa Surigao del Sur, Martes ng gabi.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang lindol sa 49 kilometers Northeast ng Hinatuan dakong 7:00 ng gabi.

May lalim ang lindol na 7 kilometers at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...