Magpapasaklolo ang Pilipinas sa United Nations general assembly kapag walang resulta ang bilateral mechanism at note verbale na inihain ng bansa kontra sa China kaugnay sa mga panghaharaas ng China sa mga Filipinong mangingisda sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kapag patuloy na binalewala ng China ang arbitral ruling, isa sa mga opsyon ng bansa ay ang dumulog sa UN general assembly.
Pero ayon kay Panelo, nasa kamay pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasya sa sigalot sa West Philippine Sea.
Sinabi pa ni Panelo na lahat ng opisyon ay posible pero ibang usapin na kung magiging epektibo ang naturang hakbang.
Una rito, sinabi ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na maari namang dumulog ang Pilipinas sa United Nations general assembly dahil inaabuso at nagiging brusko na ang China sa pag-angkin sa mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.