Sarangani, Davao Occidental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng Sarangani sa lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs naitala ang pagyanig sa 173 kilometers Southeast ng bayan ng Sarangani, alas-2:02 ng hapon ng Martes.

May lalim na 19 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala naman naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

Read more...