Halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa El Niño, umakyat na sa P5B

47752400 – rice seedlings growing on the barren fields.

Pumalo na sa P5.05 bilyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa bansa dahil sa El Niño phenomenon, ayon sa Department of Agriculture Disaster Risk Reduction and Management Operations Center.

Sa pinakahuling agricultural damages bulletin, umakyat na sa 276,569 metric tons ng palay at mais ang nasira sa bansa.

Lumawak din sa 177,743 hectares ang nasirang taniman kung saan nasa 164,672 na magsasaka ang apektado.

Sa palay pa lang, umabot na sa P2.69 bilyon ang nasira kasama ang 125,590 metric tons volume production loss sa 11,851 hectares at 108,845 na magsasaka sa 37 probinsya sa buong banda.

Sa mais naman, aabot na ang halaga ng pinsala sa P2.36 bilyon kasama ang 150,978 metric tons volume production loss sa 65,892 hectares at 55,827 na magsasaka sa 17 probinsya.

Dahil dito, sinabi ng DA DRRM Operations Center na maglalaan ng P95.875 milyon na tulong-pinansiyal mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC) sa ilalim ng Survival and Recovery Assistance Program.

Layon nitong matulungan ang 3,835 na apektadong magsasaka.

Read more...