Ayon kay Salceda, hindi makabuluhan ang plano ng MMDA na ipatutupad na sa buwan ng Hunyo.
Sinabi ng mambabatas na malaki ang magiging epekto sa ekonomiya ng bansa ang hakbang ng MMDA at lalo pang mahihirapan ang mga pasahero bukod pa sa dagdag na gastusin.
Bukod dito, hindi rin anya dapat isisi sa mga bus ang lumalalang trapiko sa Metro Manila.
Kung tutuusin anya ay mas marami ang bilang ng mga pribadong sasakyan na nasa 2.8 million habang nasa apat na libo lamang ang provincial buses.
Ikinumpara pa nito ang Metro Manila sa Tokyo at New York na mas prayoridad ang pampublikong sasakyan kaya mali anya ang tatlumpu’t siyam na kilometrong layo ng itatayong provincial bus stations.
Sa plano ng MMDA, ililipat na sa Valenzuela City ang mga terminal ng bus na patungong norte habang sa Santa Rosa, Laguna naman para sa mga bibiyahe patungong Southern Luzon.