SC, ipinag-utos sa OSG ang paglalabas ng lahat ng ‘Oplan Tokhang’ reports

Ipinag-utos ng Supreme Court sa Office of the Solicitor General (OSG) ang paglalabas ng lahat ng ‘Oplan Tokhang’ police reports sa mga human rights group at biktima na kumukwestyon sa legalidad ng war on drugs ng administrasyon.

Noong Pebrero, sinabihan ng Center for International Law (CenterLaw) ang SC na ipag-utos sa OSG sa pamamagitan ni Solicitor General Jose Calida na ibigay ang kopya ng mga dokumento ukol sa war on drugs operations.

Inihain ng CenterLaw ang petisyon noong 2017 kasabay ng paglabas ng SC ng writ of amparo para protektahan ang mga residente ng 26 barangay sa San Andres Bukid, Manila laban sa naturang kampanya ng gobyerno.

Sa 3-day oral argument, kinakailangang isumite ni Calida sa loob ng 60 araw ang mga sumusunod:
– pangalan, tirahan at kasarian ng mga nasawi
– lugar, petsa at oras ng drug operation
– pangalan ng PNP team leader at team members na nagsagawa ng operasyon
– post operation report
– search o arrest warrant kung mayroon
– pangalan ng representante mula sa media, NGO at opisayal ng barangay na kasama sa operasyon.

Para naman sa mga “death under investigation” na kaso, dapat isumite ang mga sumusunod:
– pangalan, tirahan at kasarian ng mga nasawi
– lugar, petsa at oras ng pagpatay
– Scene of the Crime Operatives (SOCO) team leader at miyembro na nag-imbestiga sa pagpatay
– investigation reports
– inihaing kaso laban sa mga suspek kung mayroon

Hinihingan din ng SC ang mga government lawyer ng kanilang record sa lahat ng buy-bust operation na isinagawa sa San Andres, Bukid.

Ayon naman kay Calida, nananatiling confidential ang mga dokumento.

Maaari aniyang ibigay ang kopya ng mga dokumento sa SC kung hindi ito ibibigay sa ibang partido.

Read more...