Nagpasalamat rin si Mayor Sara kay Zamboanga del Norte Rep. Bullet Jalosjos sa pag-aasikaso sa kanila simula ng dumating sila sa lalawigan.
Nagpaabot rin ng pasasalamat si Inday Sara sa mga mamamayan sa suporta nila sa administrasyon ni Pangulong Duterte mula 2016 hanggang sa kasalukuyan.
Nagbigay umano ng oportunidad ang mga tao na magkaroon ang bansa ng isang presidenteng taga Mindanao. Utang na loob umano nila ang oportunidad na ito sa mga tao
Samantala, bagaman hindi nakadalo ang mga senatorial candidates na sina Sen. Pia Cayateno, Rep. Dong Mangudadatu, Cynthia Villa, at Imee Marcos ay pinangampanya pa rin sila ng presidential daughter.
Hindi rin nakarating sina Sen. Sonny Angara at Bong Revilla ay nirepresenta naman sila ng kanilang mga may bahay na sina Tootsy Angara at Lani Revilla.
Wala rin Sen. Francis Tolentino na ipinangampanya naman ng kanyang kapatid na si Bambol Tolentino at si Ceasar Montano naman ang representative ni Bong Go.
Personal namang nakapangampanya si Jiggy Manicad, Senator JV Ejercito at Jinggoy Estrada.
Nakuha rin magbiro ni Mayor Sara nang tanungin niya kung magkaaway ba si Ejercito at Estrada kung saan nagtawanan ang mga tao.
Ito ang unang campaign rally ng HNP sa Zamboanga del Norte na kasama si Inday Sara at nagsisilbi umano itong hudyat ng umpisa ng pangangampanya ng partido sa Mindanao kung saan nasa isang libong katao ang dumalo.