2 pulis sugatan sa pag-atake ng Abu Sayyaf sa Sulu

Sugatan ang dalawang pulis matapos atakihin ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu.

Tinatayang nasa 15 miyembro ng Abu Sayyaf ang umatake sa mga pulis habang ine-escortan ang mga guro patungong Brgy. Taung.

Tauhan ng Patikul Municipal Police ang mga nasugatan.

Nangyari ang insidente alas 8:30 ng umaga ng Martes, Apr. 2.

Nakilala ang mga nasugatan na sina Master Sergeant Al-nidzfar Erajio at Patrolman Jordan Changlapon.

Inaalam pa kung may nasugatan sa panig ng mga rebelde.

Read more...