Water at power crisis nararanasan sa Venezuela

AFP Photo

Milyun-milyong residente sa Venezuela ang nawalan ng suplay ng tubig kasunod ng naranasang serye ng blackout.

Nagdeklara na si President Nicolas Maduro ng 30 araw na power rationing at pagsasara ng mga paaralan, dahil sa lumalalang krisis sa ekonomiya ng bansa.

Unang isinisi ng pamahalaan ni Maduro na bahagi ng pananabotahe sa kaniya pamumuno ang serye ng power outages na naranasan mula Marso.

Dahil sa power interruptions at water crisis, nagprotesta ang maraming residente sa Caracas.

Naapektuhan ang suplay ng tubig dahil hindi gumana ang mga pumping stations bunsod ng kawalan ng kuryente.

Hindi rin gumaganap ang mga traffic lights, street lights, pump at fuel stations at network services.

Nagti-tyaga ang mga residente na makakuha ng magagamit na tubig mula sa mga gutter, spring water tank, tanker, at sa Guiare River.

Read more...