Itbayat, Batanes niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bayan ng Itbayat sa lalawigan ng Batanes.

Naitala ang lindol sa 43 kilometers northeast ng Itbayat, alas 10:27 ng umaga ng Martes, Apr. 2.

Ayon sa Phivolcs may lalim na 32 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Ito na ang ikalawang pagyanig sa Itbayat ngayong araw, dahil alas 4:49 ng madaling araw ay tumama ang magnitude 3.8 sa naturang bayan.

Read more...