Luzon Grid muling isinailalim sa Yellow Alert dahil sa manipis na reserba ng kuryente

(BREAKING) Muling isinailaim sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Grid.

Ito ay dahil sa manipis na reserba ng kuryente sa Luzon.

Ayon sa NGCP, alas 10:00 ng umaga hanggang alas 11:00 ng umaga ng Martes, April 2 unang umiral ang yellow alert.

Muling itataas ang yellow alert ala 1:00 hanggang alas 4:00 ng hapon.

Ang pagtataas ng yellow alert ay dahil pa rin sa pagpalya ng Masinloc 2 at hindi inaasahang shutdown ng 3 iba pang planta.

Read more...