Isang batalyon ng sundalo mula Bicol, ipinadala sa Mindanao

 

Inquirer file photo

Idinestino sa ilang mga probinsya ng Mindanao ang isang batalyon ng Philippine Army mula sa Bicol para mas mapalawig ang mga counter-insurgency operations ng mga puwersa ng gobyerno doon.

Sakay ng isang C-130, dinala ang 492 na sundalo ng 42nd Infantry Battalion sa mga probinsya ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur.

Ayon sa kanilang pinuno na si Col. Joselito Pastrana, itatalaga ng 9th Infantry Division ang kanilang mga tropa sa mga lugar na tulad ng Camarines Sur kung saan namamayagpag at lumiligid-ligid ang mga komunistang rebelde.

Itinanggi naman ng operations officer na si Col. Michael Buhat na may kinalaman ang pagpapadala ng mga karagdagang sundalo sa problema sa mga lupain ng mga Lumad.

Tinatayang tatagal ng anim na buwan ang pagka-destino ng mga sundalo sa Mindanao, pero hindi naman anila ito makaka-apekto sa mga counterinsurgency operations na isinasagawa rin sa Bicol.

Read more...