DSWD tukoy na ang nagtapon ng bulok na bigas sa Dagami, Leyte

 

Ang warehouse supervisor ng DSWD sa Eastern Visayas ang nag-utos na itapon ang mga nabubulok na bigas sa isang liblib na barangay sa Dagami, Leyte kamakailan.

Ito ang isiniwalat ni Nestor Ramos, director ng regional office ng kagawaran.

Paliwanag ni Ramos, ang naturang bigas ay bahagi ng mahigit sa 3,700 sako ng relief supplies na nakaimbak sa Citi hardware upang ipamahagi sa mga biktima ng bagyong ‘Ruby’ sa Samar.

Gayunman, nabasa aniya ang nasa 164 sako ng bigas habang idinideliver at tuluyang nasira.

Dahil dito, nagpasya ang hindi pinangalanang warehouse supervisor na itapon ang mga bulok na suppliers sa Bgy. Maca-alang sa Dagami ngunit hindi ito ipinag-bigay alam sa kanya.

Humingi naman ng paumanhin si Ramos sa insidente at nangakong iimbestigahan ang opisyal na nasasangkot sa pagtatapon ng bulok na bigas nang walang kaukulang permiso.

Read more...