Diplomatic protest laban sa China, ihahain pa lang ayon sa Malakanyang

Nilinaw ng Malakanyang na ihahain pa lang ang diplomatic protest laban sa China kaugnay ng maraming military vessels nito na nasa West Philippine Sea.

Ginawa ng palasyo ang pahayag matapos sabihin mismo ni Ambassador Zhao Jianhuan ng China na wala pang natatanggap na note verbale ang China mula Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, “on its way” ang note verbale galing Department of Foreign Affairs (DFA).

Nakausap na umano niya si Foreign Affairs Sec. Teddy boy Locsin at sinabi nitong ihahain na ang note verbale.

Magugunitang sa press briefing noong Lunes sinabi ni Panelo na nagsampa ng diplomatic protest laban sa China ang Pilipinas.

Ito ay matapos ang ulat ng Armed Forces na umaali-aligid ang maraming barko ng China sa pinag-aagawang teritoryo.

Read more...